Header Ads

Wedding money dance ng mag-asawa sa Pangasinan, umabot ng P400,000


Viral ngayon sa social media ang kasal nina Marj at Diana Caguioa dahil sa limpak-limpak na perang isinabit sa kanilang kasuotan.

Ayon sa bagong kasal, umabot sa P400,000 ang nalikom nilang halaga mula sa mga kamag-anak, ninong, ninang, at kaibigan.

Sa litratong ibinihagi ni Phil Diaz, isang wedding photographer, makikita halos mapuno ng P1000 bills ang gown ni Diana.





Tradisyon ng Pinoy ang ‘money dance wedding’ kung saan isasabit o i-pipin ng mga kapamilya at bisita ang pera habang sumasayaw ang bagong mag-asawa. Ang mga salaping ito ay magbibigay ng good fortune at prosperity sa dalawang kinasal.

Ang ilang netizens balak itong gawin sa kanilang mga kasal.

“Wedding ideas! Pak na pak. Hahaha!“

“After 10 years sana sa wedding ulit namin my ganyan.”

“Mas okay talaga kasalan sa pinas”

“Pag ganitong usapan baka matuto ako sumayaw.”




Sa ngayon, umani ng mahigit 20,000 shares and likes ang money dance wedding ng mag-asawang Caguioa.


The post Wedding money dance ng mag-asawa sa Pangasinan, umabot ng P400,000 appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments