Tatlong tao ang nakahandang kasuhan si Mystica ng Estafa at Cyber Libel pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine.
Dalawa sa pursigidong magdemanda sa nasabing singer ay sina Nazel Suan na nakabase ngayon sa Saudi Arabia at Leinad, isang negosyante na taga-Bulacan.
Nakausap ko na ang dalawang ito at anila, may isa pang taga-Mindanao na handa ring ihabla ang dating split queen anumang oras na matapos na ang krisis sa Covid-19.
Aminado si Nazel na dati siyang fan ni Tikay at naging inspirasyon daw niya ito kaya siya nagtagumpay sa buhay.
Marami siyang negosyo ngayon na pinapa-manage niya sa kanyang mga kapatid dito sa Pilipinas at sya naman ay nasa Saudi at nagtatrabaho sa isang malaking laboratoryo.
Ani Nazel, inabuso ni Mystica ang kanyang kabaitan. Ginawa umano siyang palabigasan nito pati ng anak nitong si Stanley.
Nung ma-ospital daw ang anak ng dating bukaka singer ay tinulungan niya ito para makalabas ng hospital. Nagpadala siya ng pera para pambayad pero hindi raw ibinayad sa hospital kundi ihinulog sa motor na inutang nito at muling humingi ng tulong sa kanya gamit ang iba’t ibang alibi to the point na siniraan pa raw nito ang sariling ina.
Sa kabilang dako naman, habang nage-emote sa kanya si Mystica ay inilalaglag din nito ang anak. Bandang huli, nalaman ni Nazel na dinadramahan lang daw pala siya ng mag-ina para mahuthutan siya.
Sa kabila ng mga tulong na ginawa niya sa mga ito sinisiraan pa siya sa ibang tao. Ipinopost siya sa facebook ng hindi maganda at kapag kinokompronta niya, ang sasabihin sa kanya gimik lamang iyon para may makuha itong pera sa ibang fans.
Nung palayasin daw sa inuupahang bahay itong si Mystica, sya rin ang tumulong. Ikinuha niya ito ng rent-to-own na condo.
Uupahan/huhulugan ito ni Tikay at kapag natapos ay saka niya ibibigay ang titulo. Pero pinipilit na daw nitong kunin ang titulo at nagalit sa kanya nang ayaw niyang ibigay.
Sinisi pa siya nito dahil sinabihan daw niya ito na huwag na itong humingi ng tulong sa munisipyo dahil sasagutin daw niya ang problema nito gayong wala naman siyang sinasabi.
Dahil sa kanya nakilala ni Mystica ang tiyuhin niyang si Mr. Ilagan na tulad niya ay sinuportahan din ang singer. Pero hindi alam ng huli na tyuhin niya ito.
Malaking pera raw ang nakukuha ng naturang mang-aawit sa tiyo niya na ipinanghuhulog nito sa sasakyan na kinuha nito noong nakapasok ito sa Ang Probinsyano ngunit bigla siyang tinanggal kaya naging sakit niya ng ulo ang paghuhulog nito buwan-buwan.
Umabot umano sa puntong niligawan pa ng daldakinang singer si Mr. Ilagan para mahumaling sa kanya sa kabila ng meron na siyang asawa, ang 23 years old noon na si Kid Lopez na pinakasalan niya.
Ang matindi, ayon pa sa tsika sa atin ni Nazel, nagpadala si Mystica ng malaswang video nito kay Mr. Ilagan para mas lalo niyang makuha ang loob nito. Samantalang si Leinad, nakuhanan din daw ni Mystica ng 60 thousand plus ilang sako ng bigas. Idinaan sa utang, nang sinisingil na niya ay blinock siya sa facebook.
Ang ikinasasama ng loob niya, nang minsang pumunta raw ito sa kanyang kiskisan nag-live ito sa fb at pinalabas na pag-aari nito ang nabanggit na rice milling. Kaya nagulat na lamang daw si Leinad nang batikusin siya ng mga fan ni Mystica.
Pinalalabas ng mga ito na inaangkin niya ang kiskisan ni Mystica. Ayon kay Leinad, ngayong tatlo na silang nagrereklamo kay Mystica, humanda raw ito dahil bibigyan nila ito ng leksyon.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan din ng NBI si Mystica sa pagmumurang ginawa nito kay President Digong. Mukhang may kalalagyan siya dahil dalawang beses na niya itong ginawa sa Pangulo.
The post Cyber Libel at Estafa, kakaharapin ni Mystica pagkatapos ng ECQ appeared first on Philippine News.
0 Comments