Header Ads

Mag-ina, bumuo ng kotse gawa sa karton para makabili ng fast food sa gitna ng lockdown



Naging malikhain ang isang mag-ina sa Belgium para mapawi ang kanilang fast food cravings sa gitna ng coronavirus lockdown.



Nakatira sina Nathalie Moermans at 16-anyos niyang anak malapit sa isang McDonald’s branch — kaso ang problema, available lang ito para sa drive-thru customers dahil sa lockdown.




Imbis na kalimutan ang inaasam na burger dahil wala silang sasakyan, naisipan nila na gumawa na lang ng cardboard “car” at maglakad papunta sa fast food resto.




“At the beginning, my daughter thought it was a stupid idea — she was embarrassed. So I started building the car on my own and then she started helping me,” kuwento ni Moermans sa The Brussels Times.










Para mas makumbinsi ang anak, aniya, “I told her it would give her some nice memories to tell her children about their grandmother’s crazy ideas.”




Nilagyan nila ang imbensyon ng plaka na “COVID-19”, at sulat sa gilid na “Sorry, I want a McDonald’s but don’t have a car,” na makikita sa Facebook post ni Moermans noong May 1.





Gaya ng inaasahan, naging agaw-pansin ang mag-ina sa kalsada. [...]






The post Mag-ina, bumuo ng kotse gawa sa karton para makabili ng fast food sa gitna ng lockdown appeared first on Philippine News.

Post a Comment

0 Comments