Header Ads

Vlogger, pinakyaw ang paninda ng 47-anyos street vendor


Isang street vendor ang umagaw ng atensyon ng Syrian vlogger na si Basel Manadil habang naglalakad siya sa isang kalye — ang resulta, pakyaw lahat ang kanyang paninda.

Napansin kasi ng vlogger ang kakaibang gimik ng tindero habang dala-dala ang kanyang kariton ng panindang mangga.





Sa Facebook post ni Basel, “Walking Mango Tree Using Kariton! Yung dinala na pati puno ni Tatay to attract customers to notice and buy his fruits habang naglalako sa kalsada! namunga na ng ibat ibang prutas ang puno ng mangga ni Tatay 😂🙌.”


Aniya, ang kakaibang istilo ni tatay ang nagtulaksa kanya para pakyawin ang paninda nito.

“Nagulat ako sa punong naglalakad 😅 malayo palang agaw pansin na paninda ni Tatay 👌 #YouGotMyAttentionTay,” sabi niya.

“Pakyaw paninda 😇 Rewarding some hardworking kababayans in a way to show people that if there’s a will there’s a way,” dagdag niya.

Nang makapanayam, napag-alaman ni Basel na ang tindero ay si Mang Renato, 47, at isang oras na umanong naglalakad mula Muntinlupa hanggang Las Piñas para lamang makabenta ng prutas.





“Reviving bayanihan. To show people maraming mga nangangailangan at sana sa mga may kaya tumulong sa mga katulad nila, this is the best time na magtulungan,” saad pa ng naturang vlogger.

Mensahe niya rin para sa mga Pinoy, “Wag mawawalan ng pagasa mga Kababayan, malalagpasan din natin ito.”

Samantala, kilala si Basel pagdating sa pagtulong sa mga kababayan lalo na si gitna ng krisis.

Sa katunayan, hindi ito ang unang pagkakataong naghandog siya ng tulong sa mga Pinoy na nangangailangan.


The post Vlogger, pinakyaw ang paninda ng 47-anyos street vendor appeared first on MMV Hangouts.

Post a Comment

0 Comments