Sa halip na ibenta, libreng ibinigay ng may-ari ng isang bike shop sa Pasay City ang bisikletang inaasam-asam ng isang 87 taong gulang na lalaki.
Ibinahagi sa Facebook ng CARBS Motor & Bicycle Parts ang nakaaantig na eksena sa pagitan ng negosyanteng si Fe Carandang at ni Tatay Carlos Samonte nitong Miyerkoles.
Kuwento ni Carandang, halos dalawang linggo nang dumadaan sa kaniyang shop si Tatay Carlos parta tanungin kung maari niyang bilhin ang napupusuang MTB bike sa halagang P2,000. Kulang pa kasi siya ng P2,500 para sa original price na P4,500.
Kaya nang makausap niya ang senior citizen, hindi na siya nag-atubili pang iregalo na lamang ang naturang bisikleta.
Maliban dito, binigyan din niya ng lock para sa MTB bike ang matandang lalaki upang hindi ito mawala o manakaw.
Bakas sa mukha ni Tatay Carlos, na labis ang pasasalamat kay Carandang, ang matinding kasiyahan nang mauwi ang binalik-balikang bisikleta.
Simula raw ng umiral ang community quarantine sa Metro Manila, araw-araw naglalakad si Tatay Carlos patungong Makati City upang magtinda ng kendi.
Sa loob lamang ng isang araw ay umabot na sa mahigit 3 million views ang video.
The post Bisikleta, libreng ibinigay ng may-ari ng shop dahil kulang ang pambayad ni lolo appeared first on MMV Hangouts.
0 Comments