Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukang magbibigay ng libreng internet service at malinis na banyo para sa mga komuter sa mga transport terminal.
Ang pirmadong kopya ng Republic Act 11311 ay inilabas ng Malakanyang nitong Miyerkules.
Sa ilalim ng batas, ang Department of Information and Communications Technology sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation at iba pang konektadong ahensiya ay inaatasang siguraduhin ang libreng access sa internet sa mga terminal.
Ang mga terminal din ay kinakailangan magkaroon ng lactation station para sa mga nagpapasusong ina.
Ang mga may-ari, operator o administrador ng mga terminal na hindi susunod sa batas ay pagmumultahin ng P5,000 kada araw ng paglabag at P5,000 iba pa para sa kada araw na pangongolekta ng bayad mula sa pasahero sa paggamit ng banyo.
Ang DOTr, sa pakikipagtulungan sa DICT, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of Health, Philippine Ports Authority, at iba pang stakeholders ay mayroong 60 araw para ipatupad ang batas sa oras na maisyu na ang implementing rules and regulations.
Ikinatuwa naman ni Senator Grace Poe, principal author at sponsor ng naturang batas sa 17th Congress, ang pagpirma ni Pangulong Duterte sa batas, sinabi niyang magbibigay ginhawa sa mga pasahero tulad ng libreng wifi at palikuran.
“Ikinagagalak natin na ganap na batas na ang Republic Act 11311 na magtatakda ng libreng internet at malilinis na pasilidad para sa ating mga pasahero sa transportation terminals,” ayon kay Poe sa pahayag.
“Ipatupad natin nang mahigpit ang batas na ito para matiyak na libre ang internet at may ginhawa at pahingang maaasahan sa ating mga banyo,” ayon kay Poe.
Aniya, kailangan ang tuloy-tuloy na pangangalaga at pagsasaayos ng mga pasilidad.
The post Batas na magbibigay ng libreng internet, paggamit ng banyo sa mga terminal, pirmado na ni PDU30 appeared first on Philippine News.
1 Comments
Wow, Iba talaga!
ReplyDelete